Lunes, Abril 25, 2011

Paano ko nalagpasan lahat ng FAILURES?

Paano ko nga ba nalagpasan ang lahat ng Failures?


Sa lahat ng aking naging Experience masasabi ko lang na nahubog ang aking galing sa pagunawa.


Unang una sabi ko dapat magtiwala sa Dios, tiwala sa sarili. Naisip ko din na siguro dahil nangyari ang lahat ng iyon dahil may plano ang Dios na mas mabuti para saakin, naisip ko na hindi  niya ako pababayaan.


Minsan mahirap mag expect mahirap talaga, kaya kung alam mo mag expect alam mo din ma disappointed.

Minsan din  hindi sapat ang PRAY lang nang PRAY dapat may pagpupursige din, ang payo ko lang hanggang may opporunity I grab kahit hindi kaya, ito ang ginawa ko para masubukan ang lahat, ang dami kong first experience  sa lahat ng nangyari, ang hindi ko pagpasa sa VisCom sa UP, oo masasabi kong mahal ko ang ARTS pero hindi ako ganun kagalingan pagdrawing kahit ano ang ARTIST ng school namin, sa lahat ng bagay kasi may Limitasyon. Ngunit pwede ko naman itong i develop, ang puso ko talaga at nasa pag rereport kaya gusto ko maging broadcaster o reporter someday. Noong una hindi ko alam mag drawing pero dahil sa pag entrance ko sa UP o ung tinatawag na TDT Test nagpursige akong magpractice magdrawing ng mukha, at nagawa ko kahit 5 days practice lang yan.

Rejection man yan o Failure parehas lang, kung alam mo magtiwala sa Dios tatanggapin mo lahat ng iyan, hinuhubog tayo eh. 



Labanan ang inggit dahil UNIQUE tayo, doon man siya nag aral sa UP sa UST ok lang yan, malay mo sikat ka sa SCHOOL NA PUPUNTAHAN mo, at malaki ang maibigay mong kontribusyon. Hindi mapupunan ng ibang tao ang iyong personalidad. Dahil ikaw yan at hindi sila.


Sa lahat man ng mangyari ibigay ang BEST at magtiwala!


Maraming SALAMAT!

UPCFA - TDT "Talent Determination Test" EXPERIENCE

Una habang ginagawa ko ang project sa MATH ang Modulo ART tumawag sakin ang ate ko na may pagasa pa daw akong makapasok sa UP at ito ay sa FINE ARTS VISCOM, exited ako dahil ito na ung last opportunity. Gumawa ako ng portfolio at lahat ng pwede kong maipakita, gumagawa din ako ng story sa Video nasa youtube ito: http://www.youtube.com/user/simplemelvin3rd?feature=mhum

Lahat yan ipinakita ko, at nagdaan ang ilang araw, ito na may exam kami kasabay ng interview ngunit nauna ang interview namin, kinakabahan ako dahil pag hindi ka nakapasa sa interview hindi kna makakapunta sa next level, so ayun interview ko na pumasok ako dala dala ang mga portfolios ko mejo exited ako dahil gustong gsuto ko talaga ng interview.

Tinanong ako

Ano name?
Ilan kinikita ng parents mo sa isang taon?

Sino magpapaaral sayo?
San ka titira kung sakaling makapasa?
bakit mo napili ang course na ito?
Ano trabaho nanay mo?
Ano trabaho tatay mo? "Patay napo." Bakit? ETC..


at hanggang sa ang dami niyang natanong saakin, grabe ang daming nangyari noong time na iniinterview ako. Nangyari ang dapat hindi mangyari, ipapakita ko ung Video ko tapos biglang nalow bat ung loptop na dala ko, nakakahiya, tapos habang kinakausap ako ng prof sa UP nagring ung fone ng ate ko accidentally.. grabe ngunit sa kabila ng lahat nakapasa naman ako sa interview. YAY! NEXT LEVEL! GO ! GO! GO!


At ayun na nga EXAM na namin ng MENTAL ABILITY!


SUCCESSFUL!


Then balik nlang on April 2, for TDT!


Then bumalik nga ako, late ako ng kaunti ! Hahaa!
Noong una pinadawing kami ng STATWA naka aircon ang room kami lang ata naka aircon nakatutok pa naman sakin ung aircon grabe nakakalamig! hahaa Habang nagdrawing kami napansin ko ung katabi ko nilalamig din, kaya lumipat pero ung isang katabi kong right side hindi na lumipat, ok na. so drawing lang ng drawing hanggang maging ok ang dating, si ateng nasa right side ko walang eraser so pinahiram ko awkward pa siya noon eh. Ok so lalaki na ung katabi ko nasa left side ko, ang galing niya huh! Hahaa ako naman drawing lang kinabahan ako kasi mahirap ung pinapadrawing sabi ko LORD please tulungan niyo ako, kaya ayun ok naman ang naging result. Si ateng nasa right side ko ok din sakanya pero mas ok ung sakin kasi tinulungan ako ni LORD.


So ngaun second part of TDT! 


Parang comics lang eh dapat yata may caption doon ako nagdalawang isip, sabi ko mahirap to, nahihirapan ako magdrawing ng tao ung katawan ba, kasi mukha lang alam kong i drawing. feeling ko nga dahil sa pastel pumangit ung drawing ko, hindi din ako sure na nadrawing ko, aist terrible! 


so ako hnd natuwa sa part2 ng exam! umalis na kami  ng room na napaka lamig, ung isa naalis pa ung sandals niya ! I mean nasira! aun kawawa naman si ate. APRIL 15 ang result!




HERE comes APRIL 15, nakita ko ang result.


















WALA ANG NAME KO SA MGA NAKAPASA! OUCH! Sounds Painful!








Natanggap ko din, maybe hindi talaga ako para dito so accept na lang, un lang naman ang dapat na isipin !


At least natuto ako magdrawing ng mukha kahit sa mailing panahon lang! Ngayon nadedevop ko na ang skills ko sa drawing and I'm loving it! hehee! Ano man mangyari sabi ko Hindi ako pababayaan ng Dios! may naghihintay na mas magandang opotunidad! At yun ang pagpapatuloy ko sa MASSCOM ang kursong kinuha ko sa AdU at papasok nako this JUNE ! Freshmen! Exited nako! Yay!

Ang Resulta ng aking PAGHIHINTAY!

At dumating na nga ang aking pinakahihintay Buwan ng Enero kung saan lalabas ang resulta ng aking UPCAT kasabay naman nito ang resulta din ng aking USTET.

Enero naalala ko noong araw na ilalabas na ang UPCAT result dali dali kong binuksan ang PC at doon tinignan ko ang resulta una, nanginginig ang buong katawan ko na parang ihing ihi na, sobrang kumakabog ang puso ko, parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. REFRESH! REFRESH! REFRESH! Wala pang result, naghihintay ako ng ilang oras at BUMALIK AKO.



Nakita ko na ang resulta kasabay ng aking katawang nanghihina kung ano man ang ang makikita, nakita ko " Wala ang aking Pangalan."

Noong una nanghinayang ako pero sabi ko ayos lang marami pa akong options, nakakadepress pero un ang katotohanan wala naman akong magagawa. Basta ang alam ko ginawa ko buong makakaya ko!



Pebrero naman lalabas din ang aking USTET result hahaa, nkaka exite ito dahil gusto ko talaga sa UST napaka ganda ng school at napakagaling pa! Isa pa may kakilala akong nagaaral doon kaya gusto ko, at least may ka close naman ako kahit papano, ayun nga at inilabas nila ang aking resulta "Not Passed" ouch! Rejection Rejection Rejection! Pero nagpursige parin ako kahit ano mang mangyare.

Sa dalawang rejection ng school sakin, nagpatuloy parin ang aking buhay sa pag internet nagpursige ako at itinuloy ang dapat gawin ika nga "Life must go on" tinanggap ko lahjat ng failures dahil jan tayo humuhugot ng lakas! So kung ayaw nila sakin alam ko unique ako marami akong pwedeng gawin at hindi nila alam un, sa kabila ng lahat proud parin ako sa sarili ko.

at hanggang sa isang araw ay tumawag sakin ung ate ko, may chance pa daw makapasok sa UP at sa FINE ARTS. (Read this blog below.) 



About naman sa ibang schools like FEU, CEU, AdU, Colegio de San Juan de Letran.

ayun nalaman ko nakapasa ako sa lahat ng yan! Sobrang masaya din ako pero ang first choice ko jan FEU sympre diba. Sinabi ko sa Ate ko na nakapasa ako ayun ang news!

AYAW niya! ayaw niya ako mag aral sa FEU so noong una masama loob ko ang dami ko na kayang na entrance exam tapos noong nakapasa ako ayaw naman nila. Grabe ano ba itong nangyayari sakin.



So ang options ko na lang ay AdU, CEU, at Letran.


Ayaw ko sa CEU!
Ayaw ko sa Letran!



So I will go for Adamson University.


At doon mag take ako ng MASS COMMUNICATION which is gusto ko naman talaga. At ngayong June na nga ako papasok. Alam ko mageenjoy ako sa course na ito. Dahil gusto kong maging tanyag na Braodcaster o Reporter. Hehee maambisyon akong tao kaya naman nasusubukan ko lahat kahit sa una may pagdududa, TIWALA LANG SA SARILI AT TIWALA SA DIYOS.

Wakas!

(READ BLOG BELOW ENTITLED "Paano ko nalagpasan lahat ng FAILURES?"

Ang aking Experience sa UPCAT, USTET at iba bang ENTRANCE EXAM!

Unang una sinulat ko ito dahil sa sobrang paghahanap ko ng mga experience ng ibang studyante tungkol sa kanilang UPCAT experience USTET experienceatb..

Una pumasok ako sa NEWTON isa itong COLLEGE REVIEW CENTER, 2010 buwan ng Mayo una inisip ko kailangan pa ba nito? Sa sobrang pilit ng ate ko, ayun pinasok niya ako 8k ang bayad heavy diba. Noong mga panahon na pumapasok ako grabe sobrang aga pero ayos lang naman kasi matututo naman ako pagpasok ko sa NEWTON, nakakilala naman ako ng mga bagong kaibigan. Tuwing uwian na pumupunta ako ng mall para magpalamig o minsan mag lunch. At hanggang sa matapos na nga ang NEWTON times.

At ito na nga mag 4th year na ako. Buwan ng August hanggang September ito ang mga buwan na kung saan ay nag tatake ng entrance exam, naisip koUPCAT ang nauna, taga Pangasinan ako so doon ako magtake naalala ko pa yung room namin dati napaka lamig sobrang lamig, at akala ko pa noon ay late nako, hindi pala. Ang mga proktor ay hindi naman ganoong strikto madisiplina lang sila. Habang nag eexam naisip ko grabe ang daming tao ang daming gustong makapasok ng UP, ngunit hindi lahat ay papalarin. Isisiksik ko lang 3 kamiing nag take ng UPCAT ng mga kaklase ko nainis ako dahil PMako sila AM mag isa ko nagtake natapos na mga 6pm magisa ko narin umuwi nun. Pinagpray ko na sana eh makapasok naman ako sa UP I mean makapasa dahil ang resulta ay Enero 18. Noong nasa loob ako at nagtake ng exam grabe pipigain nila ang iyong utak, kaya naman kelangna mo talaga mag aral at hindi ung pa easy easy lang. Sa lahat mahirap ung Science mahirap ung English hindi mo alam kung ano pipiliin mo dahil ung A.B.C at Day halos pwede mong isagot. Sa Science naman iisipin mo Scientist bako kasi pang scientist na ung mga sasagutan mo, sa MATH naman wala ako masabi, hindi ko alam kung saan ko kukunin sagot ko, Complicated. Ang minahal ko sa test ay ung Reading Compre.

"Sa opinyon ko PAG NAKAPASA KA NG UPCAT DERETCHO NA ANG IYONG Kalbaryo sa pagaaral hahaa. UP yan eh pero pagkatapos mo naman ng College sa UP nasisigurado kong naghihintay ang matamis na bunga ng iyong pinaghirapan."

Buwan ng Nobyembre ito ang panahon magtatake naman ako ng USTETexited ako dahil gustong gusto ko itong Unibersidad na ito, napakaganda ngCampus, mamahalin mo talaga ito sa sobrang ganda. Dahil ako nga'y nabighani ayun lagi din ako nagdarasal na sana makapasa ako sa USTET. Naalala ko noong magbabayad pa lamang ako ng permit for USTET ayun kulang kasi kami ng requirements kaya pinabalik pa kami ng bahay. Animo'y sobrang layo pa ng aming pinagdaanan  bago makarating ng Dagupan, kaya naman wala kaming nagawa pinabalik kami ng school para kunin pa ung isang requirement kung naalala ko yun ung "CANDIDATE FOR GRADUATE CERTIFICATE" na iissue ng secretary ng school na pinanggalingan, kung totoo nga bang 4th year H.S ka. Nagdaan ang ilang oras successful din.

Sabi ko sa kasama ko dati "GRABE SANA MAY PUNTAHAN ITONG PAGHIHIRAP NATIN." 

Nagdaan ang ilang araw, USTET na balik uli kami ng Dagupan para magtake ng USTET naalala ko late ako noon pero hindi pa sila nagsisimula ang kinuha kong course ay "Journalism" at "Music Conservatory of Music" isingit ko lang ang kinuha ko sa UP "Speech Communication" at"Broadcasting Communication" ok balik tayo katabi ko babae naalala ko pa, daladala ko ang NEWTON na libro ko para magreview o magbasa ng kahit ilang FACT para naman kung sakaling lumabas yung nabasa ko eh swerte, ayun hiniram nung babae ung libro ko ng SCIENCE pinahiram ko at ayun nagstart na.  Strikto ung PROKTOR namin masungit ang mukha grabe manginginog ka sa takot kung me nagawa kang mali.

Noong mga oras na nagtatake ako ok lang naiiihi ako pero wag na nakakatakot kasi magrequest, nakakatakot din gumalaw parang naging statwa nako doon. hahaa at hanggang sa natapos na nga ang USTETnagpray ako, sana makapasa sabi ko "MAS GUSTO KO ANG UST kesa UP" its because of the campus narin. Isa pa magaling naman silang dalawa in terms of academic. Sabi nila madali pero para sakin moderate lang mahirap na madali ang mga itatake doon, kung weakness mo kasi ang isang subject hindi mo naman masasabing madali ito. Lalo ang MATH napagalaman ko din sa mga nabasa ko kunwari ay Engineering ang kukunin mo i base nila ung performance mo sa MATH pag mga medical courses naman like BIO i base nila ang iyong performance sa Science, ngunit sakin ARTS and LETTERS so sa EnglishNgunit ito ay aking prediksyon lamang (Pero alam ko totoo ito). 

At naaalala ko pa nagtake din ako sa CEUFEUAdU, at 
Colegio de San Juan de Letran.


Itutuloy sa susunod na istorya!