Lunes, Abril 25, 2011

Ang Resulta ng aking PAGHIHINTAY!

At dumating na nga ang aking pinakahihintay Buwan ng Enero kung saan lalabas ang resulta ng aking UPCAT kasabay naman nito ang resulta din ng aking USTET.

Enero naalala ko noong araw na ilalabas na ang UPCAT result dali dali kong binuksan ang PC at doon tinignan ko ang resulta una, nanginginig ang buong katawan ko na parang ihing ihi na, sobrang kumakabog ang puso ko, parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. REFRESH! REFRESH! REFRESH! Wala pang result, naghihintay ako ng ilang oras at BUMALIK AKO.



Nakita ko na ang resulta kasabay ng aking katawang nanghihina kung ano man ang ang makikita, nakita ko " Wala ang aking Pangalan."

Noong una nanghinayang ako pero sabi ko ayos lang marami pa akong options, nakakadepress pero un ang katotohanan wala naman akong magagawa. Basta ang alam ko ginawa ko buong makakaya ko!



Pebrero naman lalabas din ang aking USTET result hahaa, nkaka exite ito dahil gusto ko talaga sa UST napaka ganda ng school at napakagaling pa! Isa pa may kakilala akong nagaaral doon kaya gusto ko, at least may ka close naman ako kahit papano, ayun nga at inilabas nila ang aking resulta "Not Passed" ouch! Rejection Rejection Rejection! Pero nagpursige parin ako kahit ano mang mangyare.

Sa dalawang rejection ng school sakin, nagpatuloy parin ang aking buhay sa pag internet nagpursige ako at itinuloy ang dapat gawin ika nga "Life must go on" tinanggap ko lahjat ng failures dahil jan tayo humuhugot ng lakas! So kung ayaw nila sakin alam ko unique ako marami akong pwedeng gawin at hindi nila alam un, sa kabila ng lahat proud parin ako sa sarili ko.

at hanggang sa isang araw ay tumawag sakin ung ate ko, may chance pa daw makapasok sa UP at sa FINE ARTS. (Read this blog below.) 



About naman sa ibang schools like FEU, CEU, AdU, Colegio de San Juan de Letran.

ayun nalaman ko nakapasa ako sa lahat ng yan! Sobrang masaya din ako pero ang first choice ko jan FEU sympre diba. Sinabi ko sa Ate ko na nakapasa ako ayun ang news!

AYAW niya! ayaw niya ako mag aral sa FEU so noong una masama loob ko ang dami ko na kayang na entrance exam tapos noong nakapasa ako ayaw naman nila. Grabe ano ba itong nangyayari sakin.



So ang options ko na lang ay AdU, CEU, at Letran.


Ayaw ko sa CEU!
Ayaw ko sa Letran!



So I will go for Adamson University.


At doon mag take ako ng MASS COMMUNICATION which is gusto ko naman talaga. At ngayong June na nga ako papasok. Alam ko mageenjoy ako sa course na ito. Dahil gusto kong maging tanyag na Braodcaster o Reporter. Hehee maambisyon akong tao kaya naman nasusubukan ko lahat kahit sa una may pagdududa, TIWALA LANG SA SARILI AT TIWALA SA DIYOS.

Wakas!

(READ BLOG BELOW ENTITLED "Paano ko nalagpasan lahat ng FAILURES?"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento