Lunes, Abril 25, 2011

Ang aking Experience sa UPCAT, USTET at iba bang ENTRANCE EXAM!

Unang una sinulat ko ito dahil sa sobrang paghahanap ko ng mga experience ng ibang studyante tungkol sa kanilang UPCAT experience USTET experienceatb..

Una pumasok ako sa NEWTON isa itong COLLEGE REVIEW CENTER, 2010 buwan ng Mayo una inisip ko kailangan pa ba nito? Sa sobrang pilit ng ate ko, ayun pinasok niya ako 8k ang bayad heavy diba. Noong mga panahon na pumapasok ako grabe sobrang aga pero ayos lang naman kasi matututo naman ako pagpasok ko sa NEWTON, nakakilala naman ako ng mga bagong kaibigan. Tuwing uwian na pumupunta ako ng mall para magpalamig o minsan mag lunch. At hanggang sa matapos na nga ang NEWTON times.

At ito na nga mag 4th year na ako. Buwan ng August hanggang September ito ang mga buwan na kung saan ay nag tatake ng entrance exam, naisip koUPCAT ang nauna, taga Pangasinan ako so doon ako magtake naalala ko pa yung room namin dati napaka lamig sobrang lamig, at akala ko pa noon ay late nako, hindi pala. Ang mga proktor ay hindi naman ganoong strikto madisiplina lang sila. Habang nag eexam naisip ko grabe ang daming tao ang daming gustong makapasok ng UP, ngunit hindi lahat ay papalarin. Isisiksik ko lang 3 kamiing nag take ng UPCAT ng mga kaklase ko nainis ako dahil PMako sila AM mag isa ko nagtake natapos na mga 6pm magisa ko narin umuwi nun. Pinagpray ko na sana eh makapasok naman ako sa UP I mean makapasa dahil ang resulta ay Enero 18. Noong nasa loob ako at nagtake ng exam grabe pipigain nila ang iyong utak, kaya naman kelangna mo talaga mag aral at hindi ung pa easy easy lang. Sa lahat mahirap ung Science mahirap ung English hindi mo alam kung ano pipiliin mo dahil ung A.B.C at Day halos pwede mong isagot. Sa Science naman iisipin mo Scientist bako kasi pang scientist na ung mga sasagutan mo, sa MATH naman wala ako masabi, hindi ko alam kung saan ko kukunin sagot ko, Complicated. Ang minahal ko sa test ay ung Reading Compre.

"Sa opinyon ko PAG NAKAPASA KA NG UPCAT DERETCHO NA ANG IYONG Kalbaryo sa pagaaral hahaa. UP yan eh pero pagkatapos mo naman ng College sa UP nasisigurado kong naghihintay ang matamis na bunga ng iyong pinaghirapan."

Buwan ng Nobyembre ito ang panahon magtatake naman ako ng USTETexited ako dahil gustong gusto ko itong Unibersidad na ito, napakaganda ngCampus, mamahalin mo talaga ito sa sobrang ganda. Dahil ako nga'y nabighani ayun lagi din ako nagdarasal na sana makapasa ako sa USTET. Naalala ko noong magbabayad pa lamang ako ng permit for USTET ayun kulang kasi kami ng requirements kaya pinabalik pa kami ng bahay. Animo'y sobrang layo pa ng aming pinagdaanan  bago makarating ng Dagupan, kaya naman wala kaming nagawa pinabalik kami ng school para kunin pa ung isang requirement kung naalala ko yun ung "CANDIDATE FOR GRADUATE CERTIFICATE" na iissue ng secretary ng school na pinanggalingan, kung totoo nga bang 4th year H.S ka. Nagdaan ang ilang oras successful din.

Sabi ko sa kasama ko dati "GRABE SANA MAY PUNTAHAN ITONG PAGHIHIRAP NATIN." 

Nagdaan ang ilang araw, USTET na balik uli kami ng Dagupan para magtake ng USTET naalala ko late ako noon pero hindi pa sila nagsisimula ang kinuha kong course ay "Journalism" at "Music Conservatory of Music" isingit ko lang ang kinuha ko sa UP "Speech Communication" at"Broadcasting Communication" ok balik tayo katabi ko babae naalala ko pa, daladala ko ang NEWTON na libro ko para magreview o magbasa ng kahit ilang FACT para naman kung sakaling lumabas yung nabasa ko eh swerte, ayun hiniram nung babae ung libro ko ng SCIENCE pinahiram ko at ayun nagstart na.  Strikto ung PROKTOR namin masungit ang mukha grabe manginginog ka sa takot kung me nagawa kang mali.

Noong mga oras na nagtatake ako ok lang naiiihi ako pero wag na nakakatakot kasi magrequest, nakakatakot din gumalaw parang naging statwa nako doon. hahaa at hanggang sa natapos na nga ang USTETnagpray ako, sana makapasa sabi ko "MAS GUSTO KO ANG UST kesa UP" its because of the campus narin. Isa pa magaling naman silang dalawa in terms of academic. Sabi nila madali pero para sakin moderate lang mahirap na madali ang mga itatake doon, kung weakness mo kasi ang isang subject hindi mo naman masasabing madali ito. Lalo ang MATH napagalaman ko din sa mga nabasa ko kunwari ay Engineering ang kukunin mo i base nila ung performance mo sa MATH pag mga medical courses naman like BIO i base nila ang iyong performance sa Science, ngunit sakin ARTS and LETTERS so sa EnglishNgunit ito ay aking prediksyon lamang (Pero alam ko totoo ito). 

At naaalala ko pa nagtake din ako sa CEUFEUAdU, at 
Colegio de San Juan de Letran.


Itutuloy sa susunod na istorya!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento